AFP at PNP, inatasang giyerahin na ang NPA

31
Manila, Philippines – Pinabobomba na ni Pangulong Rodrigo Dutere ang New People’s Army.

Ito ang iniatas ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) matapos ang nangyaring pananambang ng NPA sa mga pulis sa Bansalan, Davao Del Sur na ikinamatay ng 4 na pulis na binisita naman ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay gamitin na ng PNP at ng AFP ang lahat ng kanilang assets para masukol ang rebeldeng grupo.

Pasensya na lang aniya kung magkakaroon ng collateral damage sa ilulunsad na giyera ng gobyerno laban sa NPA.

Facebook Comments