AFP at PNP, nagsagawa ng joint investigation kaugnay ng Cotabato bombing

197

Nagkasa na ng joint investigation ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para matukoy ang responsable sa nangyaring pagsabog sa tapat ng isang mall sa Cotabato City.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander, Major Gen. Cirilito Sobejana – hindi rin nila inaalis ang posibilidad ang isang Daesh inspired group ang dawit sa pagsabog.

Mariin din nilang kinokondena ang barbariko at hindi makataong pag-atake.

Hinimok ni Sobejana ang civilian community na maging alerto at agad i-report ang mga kaduda-dugang bagay o tao upang maiwasan ang terrorist act.

Nabatid na nasa dalawa ang nasawi habang hindi bababa sa 30 ang sugatan sa insidente.

Facebook Comments