AFP Chief, na-promote na sa 4-star rank

62

Nakuha na ni AFP Chief Gen. Gilbert Gapay ang kanyang pang-apat na estrella na isinagawa sa donning of ranks ceremony ngayong araw sa Camp Aguinaldo.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang seremonya na dinaluhan ng mga senior military officers.

Ang appointment ni Gen. Gapay bilang Chief of Staff na may ranggong 4-star general ay inaprubahan ng Pangulo nitong September 3.

Si Gen. Gapay ay pang-54 na AFP Chief of Staff na umupo noong August 3 matapos niyang palitan si dating AFP Chief Retired Gen. Felimon Santos Jr.

Si Gapay ay miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986 at mistah ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan.

Facebook Comments