AFP Chief of Staff Gen. Centino, nag-farewell visit sa isang kampo sa CDO

111

Mainit na sinalubong ng 4th Infantry “Diamond” Division si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa kaniyang farewell visit sa Camp Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City.

Binigyan si Centino ng battalion-sized arrival honor ng mga opisyal, enlisted personnel at civilian human resource personnel ng 4ID na kanyang pinamunuan bilang ika-47 commander.

Nagpasalamat naman si Gen. Centino sa 4ID hinggil sa mainit na pagtanggap sa kanya.


Pinuri din nito ang mga nagawa ng 4ID sa pag-neutralize sa mga kalaban at ang matagumpay na pagbabantay sa halalan 2022 na nagpanatili sa kanila bilang pinakamahusay na dibisyon.

Samantala, pinasalamatan ni 4ID commander Major General Wilbur Mamawag si Centino na isang tunay na diamond trooper na naglatag ng pundasyon para sa patuloy na tagumpay ng dibisyon.

Si Centino ay papalitan ni Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, bilang bagong commander AFP chief of staff matapos na italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.



Facebook Comments