AFP Commander Major General Arevalo, pormal nang bumaba sa pwesto

626

Pormal nang bumaba sa pwesto si Major General Edgard Arevalo bilang Commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Education, Training, and Doctrine Command (AFPETDC) at tagapagsalita ng ahensiya.

Ito ay matapos maabot na nito ang mandatory retirement age na 56 na iniulat kahapon.


Pinasalamatan naman ni Acting AFP Chief of Staff, Lieutenant General Erickson Gloria si Arevalo dahil sa magandang pamumuno nito sa AFP.

Sa ngayon ay wala pang inaanunsyong bagong tagapagsalita ang AFP.

Iginawad kay Arevalo ang apat na Distinguished Service Stars kabilang ang; Gold Cross Medal for Gallantry; Kapanalig sa Kapayapaan; Meritorious Achievement Medal; dalawang Chief of Staff AFP Commendation Medals, at apat na Gawad sa Kaunlaran.

Facebook Comments