AFP handa patunayang tumatangap ng pondo ang front organization ng CPP-NPA mula sa Belgium At European Union

Handa ang Armed Forces of the Philippines na patunayan ang pahayag ni Brig. Gen. Antonio Parlade Jr, Deputy Armed Forces Chief For Civil Military Operations na tumatanggap ng milyon milyong pondo mula sa Belgium at European Union ang mga front organization ng Communist Party of the Philippines (CPP) National Democratic Front o (NDF).

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo inaasahan na nila na ituturing lamang ito ng CPP NPA na alegasyon at pabubulanan ang pahayag ni Brig. Gen. Parlade.

 

Sa statement ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison tinawag nitong anti communist witch hunt ang pahayag ni Parlade at sinasabing ginagamit ng Duterte Administration ang red tagging strategy para masabing front organization ng communist rebels ang Belgium at iba pang Philippine non-governmental organization.


 

Pero ayon kay Brig. Gen. Arevalo marami na silang maipapakitang ebidensya na magpapatunay na totoong tumatangap ng pondo ang front organization ng CPP NPA mula Belgium at European union at nahihintay lamang ng tamang oras para maipresenta ang mga ito.

Facebook Comments