AFP, hihingi ng paumanhin ukol sa isang viral post

60

Hihingi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng paumanhin sa mga personalidad na napagkamalang nahuli at napatay na communist rebels.

Ito ay may kinalaman sa isang online post ng military sa kanilang Facebook account.


Nabatid na inulan ng batikos ang naturang post sa social media matapos ilabas ang listahan ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na nahuli o napatay sa military operations pero may napasamang mga dating government officials, abogado, maging ang isang namayapang multi-awarded director.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi niya alam kung anong dahilan kung bakit ginawa ng AFP ito.

Para kay Lorenzana, isa itong “unpardonable gaffe.”

Bago ito, nanawagan si Atty. Rafael Aquino sa AFP na maglabas ng apology matapos masama ang kanyang pangalan sa listahan.




Giit ni Aquino, naging estudyante siya sa UP sa loob ng 12 taon at kailanman ay hindi siya naugnay sa New People’s Army (NPA).

Ang ilang UP alumni na na-red tagged ay nanawagan sa AFP na tanggalin ang kanilang pangalan sa listahan at itinangging sila ay nahuli o napatay.

Sa ngayon, wala na ang post pero may ilang netizens ang nakakuha ng screenshots nito.

Facebook Comments