AFP, hindi magrerekomenda ng ceasefire kahit matapos ang holiday season

124

Hindi magrerekomenda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng tigil-putukan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kahit matapos ang holiday season.

Binigyang-diin dito ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo ang kawalan ng sinseridad ng teroristang grupo sa sarili nilang ceasefire.

Aniya, kahit may unilateral ceasefire, patuloy ang pag-atake ng mga komunistang grupo sa mga sundalo na wala naman sa combat operations sa halip ay nagsasagawa ng humanitarian mission.


Una nang sinabi ng AFP na hindi sila magdedeklara ng holiday ceasefire, na tradisyon na tuwing panahon ng kapaskuhan.

Sa ngayon, wala pang desisyon si Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng AFP.

Facebook Comments