
Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang malisyosong pahayag na umiikot online patungkol sa 15 bilyong halaga ng ghost projects ng militar mula 2023 hanggang 2025.
Ayon sa opisyal na pahayag ng AFP, ang lahat ng pasilidad ng militar na tinayo sa ilalim ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) program ay pinondohan at ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) .
Kaugnay nito,ang lahat umano ng pondo ay nirelease sa DPWH at hindi sa AFP, kung saan ang nasabing ahensya ay nagsisilbing end user lamang o recipient ng nasabing proyekto.
Dagdag pa nito, nilinaw din ng AFP na ang tinutukoy na salitang “completion” na kumakalat sa post online ay tumutukoy lamang sa partikular na phase ng isang proyekto at hindi sa kabuuan nito.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa paglipat ng pondo ng TIKAS program sa Department of National Defense (DND) o sa AFP sa ilalim ng 2026 budget proposal.
Dagdag pa niya, sisiguradin ng ahensya na walang magiging “ghost projects”at magiging high quality ang mga proyekto sakaling mailipat ang pondo sa ahensya.









