AFP, kinumpirma na walang presensya ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Bohol

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na wala ng presensya ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Bohol.

Ito’y matapos mapatay ng mga sundalo ang natitirang miyembro ng ASG sa Sitio San Vicente Brgy. Lawis, Bohol.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nanlaban ang bandido nang tangkaing arestuhin.


Aniya magkasunod na napatay ang dalawang ASG member na sina Abu Asis at Abu Ubayda.

Nakuha sa napatay na bandido ang isang kalibre 45 batil at apat na ammunition.

DZXL558

Facebook Comments