AFP, may bagong station hospital at barracks sa Camp Aguinaldo

May panibagong station hospital at barracks ang mga sundalo sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang bagong station hospital ay ang Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital na may 25-bed capacity na makakatulong para mas mabigyan ng atensyon ang kalusugan hindi lang ng mga sundalo kundi maging ng kanilang mga dependents.

Habang ang bagong gawang barracks ay para naman sa mga enlisted personnel na kayang mag-accomodate ng 90 babaeng sundalong enlisted at 90 lalaking sundalong enlisted.


Ito ay four-storey building na mismong makikita sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Facebook Comments