AFP, nag-deploy na ng mga tauhan para rumesponde sa Davao Oriental

Sa binigay na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nag-deploy na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga tauhan para rumesponde sa nangyaring 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, nakahanda na ang mga sundalo sa lugar para magbigay ng rescue and retrieval operations.

Bukod dito, tutulong din ang hukbo para mag-assist at magbigay ng damage assessment sa lugar na naapektuhan ng lindol.

Sa ngayon, kanselado na ang tsunami warning kasunod ng 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental.

Facebook Comments