AFP nagtalaga na ng acting PMA Superintendent matapos ang pagbibitiw sa pwesto ng PMA Supt dahil sa pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio

146

Itinalaga ni AFP Chief of Staff Lt Gen Noel Clement bilang Acting Philippine Military Academy Supt si Rear Admiral Allan Ferdinand Cusi ang Chief ng Naval Staff.

 

Ito ay kapalit ni PMA Lt Gen Supt Ronnie Evangelista na nagbitiw sa pwesto habang mainit ang isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni 4th Class Cadets Darwin Dormitorio.


 

Ayon kay Lt Gen Clement sa susunod na linggo epektibo ang pagtatalaga kay Cusi bilang acting PMA Supt.

 

Habang itinalaga naman bilang PMA Commandant of Cadets si Brig. General Romeo Brawner na kasalukuyang 103rd Infantry Brigade Commander.

 

Kasunod ito ng pagbibitiw sa pwesto ni Brig Gen Bartolome Bacarro dahil rin sa pagkamatay ng kadeteng si 4th class Cadet Dormitorio.

 

Epektibo naman ngayong araw ang pagtatalaga kay Brig. General Brawner.

Facebook Comments

From Advertisers