AFP, nagtalaga nang bagong commander ng Western Command

77

May bago nang pinuno ang Western Command (WESCOM) sa katauhan ni Rear Admiral Ramil Roberto Enriquez.

Papalitan ni Enriquez si Lt. Gen. Erickson Gloria na itinalaga naman bilang Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay ang Change of Command Ceremony sa Headquaters ng WESCOM sa Puerto Princessa, Palawan.

Nagmula sa Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class of 1988 si Enriquez na unang itinalaga bilang AFP Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs.

Facebook Comments