AFP, nakidalamhati sa pagpanaw ni MNLF Chairman Yusop Jikiri

Nakikiisa ang buong sandatahang lakas sa lahat sa mga nagluluksa sa pagpanaw ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Yusop Jikiri.

Sa isang statement, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay na si Jikiri ay naging haligi sa pagsulong ng pagtitiwala at respeto bilang susi sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Sulu at sa buong Bangsamoro.

Nagbigay pugay si Gen. Gapay sa napakalaking naiambag ni Jikiri sa sa kapayapaan at pagkakaunawaan sa katimugang bahagi ng bansa.


Dagdag ni Gen. Gapay, umaasa siyang magsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino ang magandang sinimulan ni Jikiri sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Facebook Comments