AFP, nakikipagtulungan sa Facebook laban sa pekeng accounts

Manila, Philippines – Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook Philippines na imbestigahan at ipasara ang nasa 63 accounts na ginagamit ng Maute group gayundin ng kanilang mga sympathizers bilang propaganda.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) 1st ID Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, nagpapakalat ang mga naturang accounts ng maling impormasyon na naka-aapekto sa military operations.

Dagdag pa ni Herrera – pawang mga malisyoso lamang ang ipinakakalat ng mga nasabing facebook accounts na layong lasunin ang isipan ng publiko.

Nakikipag-ugnayan na ang AFP sa FB Philippines at nagpahayag naman ito ng kahandaang tumulong sa pamahalaan.
DZXL558


Facebook Comments