
Nag-viral kamakailan sa social media ang isa na namang underwater drone na nakita sa karagatang sakop ng Bohol.
Ang naturang underwater drone ay kulay silver at pula na namataang palutang-lutang sa karagatan subalit hindi kinuha ng mga mangingisda dahil sa takot.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad magandang makuha nila ang naturang drone para isailalim sa forensic investigation.
Hindi kasi gaya ng nakuhang drone sa Masbate na kulay dilaw, malaki ang tiyansa na ginagamit ito sa military application.
Kaya naman nanawagan si Trindad sa publiko partikular na sa mga mangingisda na huwag matakot at ituro agad sa mga awtoridad kung may makikitang ganoong uri ng kagamitan sa karagatan.
Facebook Comments