AFP, nanindigang tuloy ang operasyon kontra sa teroristang grupo

32

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy pa rin ang kanilang military operations sa kabila ng banta ng Abu Sayyaf Group (ASG) na pupugutin nito ang tatlo nilang bihag.

Kinabibilangan ito ng isang Malaysian at dalawang Indonesian.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato – walang mangyayaring negosasyon at tutugisin nila ang mga kalaban.

Siniguro ni Detoyato na mapapalaya mula sa kamay ng teroristang grupo ang mga bihag na hindi nagbabayad ng ransom.

Ang mga dayuhang mangingisda ay dinukot ng Abu Sayyaf militant habang nasa fishing expedition sa silangang baybayin ng Sabah.

Facebook Comments