AFP, patuloy na pinaiigting ang pagsasagawa ng humanitarian assistance and disaster response operations sa mga apektadong lugar dulot ng Bagyong Uwan

Patuloy na pinaiigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Humanitarian Assistance and Disaster Response o HADR operations nito sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Uwan sa bansa.

Kung saan pinakilos ng nasabing ahensya ang lahat ng mga tropa at assets nito para sumuporta sa patuloy na isinagawang rescue, evacuation at relief efforts.

Kaugnay nito, nasa 349 na Disaster Response Task Units (DRTUs) at Search, Rescue, and Retrieval (SRR) na mga grupo na may mahigit 2 libong personnel at essential assets ang idineploy ng AFP sa buong bansa.

Habang nasa mahigit 1 libo naman ang nakastandy na parehong mga grupo kung sakaling kailanganin ng karagdagang deployment.

Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng hukbong sandatahan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD) at mga partner nitong ahensya para mapadali ang pagdadala ng tulong at suporta sa rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Facebook Comments