AFP personnel na positibo sa COVID-19, umabot na sa 48

32

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na umabot na sa 48 AFP personnel ang tinamaan ng COVID-19.

Nadagdagan ito ng apat batay sa kanilang huling ulat nitong May 20, 2020.


Pero ayon kay Arevalo, sa nasabing bilang, 35 ang gumaling na at nakabalik na rin sa kanilang mga trabaho.

Siyam ang naka-recover na rin pero hinihintay pa ang final clearances para makumpirmang sila ay COVID-19-free na.

Apat naman sa mga AFP personnel ang nanatiling positibo sa virus at ngayon ay patuloy na ginagamot sa mga ospital ng AFP.

Sa ngayon, naka-deploy pa rin ang mga sundalo sa mga quarantine control points at quarantine facilities para mapigilan ang pagkalat ng COVID -19 sa bansa.

Facebook Comments