AFP siniguro ang isang maayos at payapang eleksyon 2025

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkakaroon ang bansa ng peaceful, credible at orderly 2025 midterm elections.

Ito ay makaraang ipag utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Sandatahang Lakas ang pagkakaroon ng maayos at mapayapang eleksyon.

Ayon kay AFP Spox Col. Francel Margareth Padilla, handa ang kanilang hanay na pangalagaan ang integridad ng electoral process.


Kasama na rito ang pagkakaroon ng malayang eleksyon mula sa mga banta at karahasan, katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) at iba pang law enforcement agencies.

Kasunod nito, muling siniguro ng AFP ang kanilang katapatan sa saligang batas at sa chain-of-command, sa pamamagitan ng pagiging non-partisan.

Hindi aniya papagamit ang militar sa political agenda at manananatiling nakatutok sa pagdepensa sa demokrasya.

Facebook Comments