Aftershocks ng lindol, maaaring maranasan sa susunod pang mga linggo at buwan — PHIVOLCS

COURTESY: PHIVOLCS-DOST

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) maaaring maranasan sa susunod pang mga linggo at buwan ang mga aftershocks ng lindol kasunod ng pagyanig ng 6.9 magnitude sa Cebu City.

Ayon sa kanilang huling datos, umabot na sa 795 na aftershocks ang naganap sa lugar ngunit apat lamang dito ang naramdaman dahil ang iba dito ay mahihina lamang.

Ayon kay Chief Seismological Observation and Earthquake Prediction Division Dr. Winchelle Ian Sevilla, “at least in the last 400 years ngayon lang gumalaw ang fault sa epicenter ng Bogo City kaya malakas ang naging pagyanig nito.”

Aniya, isa rin sa tinitingnang naging factor kaya maraming imprastraktura ang nasira sa lindol ay dahil sa malambot ang lupa sa lugar at ang kalidad mismo nito.

Dagdag pa ni Chief Sevilla, posibleng umabot sa 1,000 aftershocks ang mararanasan pa sa lugar.

Facebook Comments