Agarang aksyon ng gobyerno sa Immigration Policies ni US President Trump, isinulong sa Kamara

Iginiit ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo sa gobyerno na agarang aksyunan ang pinahigpit na Immigration policies ng administrasyon ni United States President Donald Trump na nakakaapekto sa mga Filipino migrants sa Amerika.

Sa inihaing resolusyon sa Kamara ay hiniling ni Salo sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na bumuo agad ng komprehensibong plano kaugnay sa nabanggit na polisya ni Trump.

Ayon kay Salo, nasa 350,000 ang undocumented Filipinos sa U.S. na posibleng maipadeport o pabalikin ng Pilipinas.


Diin ni Salo, kailangang matiyak ang proteksyon at suporta para sa mga apektadong kababayan natin sa US gayundin ang pagrespeto sa kanilang karapatan, dignidad at buong pagkatao.

Facebook Comments