AGAWAN SA LUPA | 94-anyos na lola, arestado matapos masangkot sa pagpatay sa kaniyang sariling anak

Dapitan City – Arestado ang isang 94-anyos na lola matapos masangkot sa pagpatay sa kaniyang sariling anak sa Dapitan City.

Kinilala ang dinakip na suspek na si Flaviana Sagapsapan Jumuad, na residente ng Barangay Ma. Uray, Dapitan City.

Nag-ugat ang krimen dahil sa hindi daw pagkakaunawan ng suspek at ng kaniyang anak na si Arseno dahil sa problema sa lupa.


Lumalabas sa imbestigasyon na kumuha pa ng gun-fire-hire ang suspek upang ipapatay ang kanyang anak.

Kasalukuyang nakakulong sa Dapitan Police Station ang suspek at hindi pa rin ito nagbibigay ng pahayag sa nasabing kaso.

Facebook Comments