Aggressive Community Testing, Kasalukuyang Isinasagawa sa City of Ilagan

34

Kasalukuyan nang isinasagawa ngayong araw ang Aggresive Community Testing sa Lungsod ng Ilagan sa Isabela National Highschool Gymnasium at San Antonio Covered Court.

Inaabisuhan ang lahat ng mga indibidwal na kabilang sa mga priority groups na magtungo sa nasabing gusali para masuri sa COVID-19:

Ito ay maaari para sa mga lumikas mula sa kanilang tahanan dala ng nakaraang pagbaha na dulot ng Bagyong Ulysses na ngayon ay mga sintomas ng sakit, para sa mga buntis, senior citizen o may mga co-morbidities o may dati nang may mga karamdaman.


Kabilang din sa mga prayoridad ang mga health workers at iba pang frontliners maging ang mga vendors.

Magtatagal ang testing hanggang ala-singko ng hapon ngayong araw, Nobyembre 23, 2020.

Facebook Comments