Agila ng Maguindanao nagtake oath sa Malacañang

Maituturing na makasaysayan para sa Team Gobyernong May Malasakit sa Maguindanao ang araw na ito matapos magtake oath mismo sa Palasyo ng MalacaƱang

Mismong si Presidente Rodrigo Duterte ang nanguna sa okasyon pasado alas singko kanina.
Lubos naman ang kasayahan ng Couple Governor na sina Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pagkakataon at oras na inilaan sa kanila ng Presidente.

“Hindi aniya lahat ay napagbibigyan sa ganitong pagkakataon ” ayon pa kay Governor Bai Mariam sa panayam ng DXMY.


Kaugnay nito mariin namang inihayag ni Bai Mariam na magpapatuloy sila sa pagsuporta sa mga adbokasiya at kampanya ng PD30.

Si Bai Mariam ay kauna unahang Lady Governor na naihalal sa Maguindanao.

Maituturing din na makasaysayan na kapwa naihalal ang mag-asawa bilang Gobernador sa magkakaibang Probinsya.

Samantala, present din sa okasyon ang halos lahat ng mga kaalyadong pamilya ni Bai Mariam, kabilang na si BTA Member Datu Tocao Mastura.

Facebook Comments