Agriculture sector, malaking bagay sana sa pagbangon ng ekonomiya kung pinagtuunan ng pansin – IBON Foundation

Malaking bagay sana ang sektor ng agrikultura sa pagbangon muli ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sa interview ng RMN Manila kung saan tila mas pinahirapan pa raw ngayon ang mga magsasaka sa halip na tulungan.

Ayon kay Africa, malaki sana ang maitutulong ng agriculture sector lalo na’t mas mababa naman ang tyansa na magkahawahan sa COVID-19 sa mga sakahan.


Pero sa halip aniya na tulungan, mas ipinaprayoridad ng gobyerno ang pag-import ng mga bigas at mga produktong karne.

Facebook Comments