Ahente, agad nakapagpiyansa matapos arestuhin sa kasong Estafa

65

*Cauayan City, Isabela*- Agad na nakapagpiyansa ang isang ahente matapos isilbi ng mga awtoridad ang kanyang mandamiento de aresto bandnag ala-una ng hapon kanina sa Purok 6, Brgy. Plaridel, Santiago City.

Kinilala ang akusado na si Christopher Pilotin, 35 anyos, may asawa na residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones, inaresto nila si Pilotin matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Heherson Casareno, MCTC Br. 15 Jones-San Agustin para sa kasong Estafa sa ilalim ng criminal case no. 19-3260 na may kaukulang piyansa na nagkakahalagang (P16,000.00).

Magpapatuloy naman aniya ang kanyang kaso kahit na nakapagpiyansa ito matapos maaresto ng mga awtoridad.

Facebook Comments

From Advertisers