Ahente sinasabing ninakawan, halos P 50,000 pesos nakuha

27

Kalibo, Aklan – Umabot sa halos P 50,000 pesos na pera ang sinasabing ninakaw sa isang staff house sa F. Quimpo St., Kalibo, Aklan kagabi.
Ang biktima ay kinilalang si Glendyl Cabantugan, 27-anyos na taga Lonoy, Roxas, City.
Base sa pag-imbestiga ng Kalibo PNP na nakita na lang biktima sa labas ng staff house ang nawawalang sling bag na may lamang koleksyon nya sa loob ng isang araw na umaabot sa P46, 575.00.
Sa pahayag ng biktima na inilagay nya ito sa kanyang tabi kasama ang kanynag wallet na may lamang P 2,000 at natulog pero sa kanyang pag gising ay wala na ito at doon na natagpuan sa likod ng staff house na wala ng lamang pera maliban na lamang sa cheque na may amount na P 40, 500.00 pesos.
Nakita rin doon ang isang panungkit na posibleng ginamit ng magnanakaw para sungkitin ang sling bag na pinadaan sa bintana dahil tinanggal pa ang isang jealousy.
Dagdag pa ng biktima na ang nasabing pera ay pagmamay-ari ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan at hindi ito naka abot kahapon sa banko para sana kanya itong i-deposito.

Facebook Comments