Ai-Ai Delas Alas, nag-resign na bilang manager ng Ex-Battalion

Emosyunal na inamin ni comedy queen Ai-Ai Delas Alas na nagbitaw na siya bilang manager ng grupong Ex-Battalion.

Ayon kay Ai-Ai, hindi na siya nirerespeto ng ilang miyembro nito kaya minabuti na niyang tapusin ang kanilang kontrata.

Matagal na raw siyang dapat aalis bilang manager ng grupo pero hinintay niya munang ipalabas ang kanilang pelikula na “Sons of Nanay Sabel.”


Stress lang rin raw ang kanyang nakuha sa pagiging manager ng grupo dahil ilang beses siyang sinasagot-sagot ng mga ito.

Nagsisisi rin raw ang comedy queen na tinanggap niya ang pagiging manager ng Ex-Battalion dahil ang grupo mismo ang lumapit sa kanya.

Facebook Comments