Ai-Ai Delas Alas, planong magpaturok ng COVID-19 vaccine sa Amerika

29

Plano ni comedy queen Ai-Ai Delas Alas na sa Amerika magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Say ni Ai-Ai, yung bakunang para sa kanila dito sa Pilipinas ay ibibigay na lamang daw nila sa kababayang mas nangangailangan.


Sa Biyernes, May 28, nakatakdang lumipad patungong us si Ai-Ai kasama ang asawang si Gerald Sibayan dahil may mga personal na bagay raw silang aasikasuhin.

Bibisitahin din niya ang anak na si Nicolo sa US na matagal na rin niyang hindi nakikita dahil sa pandemya.

Facebook Comments