Ai Ai delas Alas, tinawag na hypocrite!

Iniintindi na lang daw ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas ang pagtawag sa kaniya ni BB Gandanghari bilang “hypocrite”.

Ito ay matapos almahan ni Ai Ai, ang mga bagong rebelasyon ni BB kaugnay sa nakaraan daw nila ng aktor na si Piolo Pascual.

Sa vlog kasi ni BB noong August 30, 2020, ibinulgar niya ang mga nangyari raw sa pagitan nina Rustom at Piolo sa San Francisco, California noong 2001 gamit ang mga pangalang David at Jonathan.


Say ni Ai Ai kay BB, mag-move on na kay Papa P.

Tinanong din ng komedyante kay BB kung hindi pa ba ito masaya sa nangyayari sa kaniyang buhay.

Bilang tugon ay tinawag ni BB na “hypocrite” si Ai Ai.

Ayon sa komedyante, marahil ay ibang tao na si BB kumpara sa nakilala niyang matalik na kaibigan na si Rustom.

Posible aniya na marami nang nangyari sa buhay ni BB na nagpabago sa buhay nito ngayon.

Facebook Comments