Ai-Ai Delas Alas, todo tanggi sa balitang hindi na nagbibigay ng suporta sa pagpapa-rehab ng alagang si Jiro Manio

271

Manila, Philippines – Itinaggi ngayon ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas na hindi na niya sinusuportahan ang anak-anakan na si Jiro Manio sa pagpaparehab nito.

Ayon kay Ai-Ai, fake news o walang katotohanan ang lumabas na balita na itinigil na nito ang pagsuporta sa dating child actor dahil kasalukuyan pa rin daw siyang tumtulong dito.

Inilabas rin ng aktres ang pagkainis matapos ang paglabas ng nasabing negatibong balita partikular sa mga social media.


Dahil dito, ipinagpasa-Diyos na lamang ni Ai-Ai ang mga naninira sa kaniyang ginagawang pagtulong at umaasa naman na gagaling ang alagang si Jiro.

Facebook Comments