AI research center na makatutulong sa mga estudyante sa pagsusuri ng mga kumakalat na fake news sa social media, itatayo ng DepEd

Sinisikap na ng Department of Education (DepEd) na magtayo ng artificial intelligence (AI) research center para sa mga estudyante.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang AI research center ay para lalo pang maunawaan ng mga estudyante ang digital landscape.

Pero aminado si Angara na dapat munang tutukan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral partikular na ang pagbabasa para higit na mas maunawaan ng mga ito ang isyu sa AI.

Dapat aniyang mahasa pa ang critical thinking ng mga estudyante para labanan ang mga pekeng balita at AI generated content sa social media.

Aniya, gumaganda at hindi na halatang gawa sa AI ang mga content sa social media kaya’t kailangang mapanuri na ang mga estudyante.

Facebook Comments