AICS IPINAMAHAGI SA 92 INDIGENT NA DAGUPEÑO; HEALTH AT DISASTER PREPAREDNESS TINALAKAY RIN

Nakatanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang 92 indigent na residente ng Dagupan City sa isinagawang programa katuwang ang City Mayor’s Office-Social Service Unit at City Treasurer’s Office.

‎Bukod sa pamamahagi ng tulong pinansyal, isinagawa rin ang mga lecture para sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng pagbibigay-kaalaman sa kaligtasan at kalusugan, partikular ngayong may mga lugar na apektado ng pagbaha.
‎
‎Tinalakay ng City Health Office (CHO) ang dengue, gayundin ang tamang pag-inom ng doxycycline bilang pangontra sa leptospirosis at iba pang waterborne disease na maaaring makuha mula sa paglusong o pagbabad sa tubig-baha.
‎
‎Isinagawa rin ang lecture hinggil sa disaster preparedness na pinangunahan ng kinatawan mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
‎
‎Hinimok naman ang mga residente na mag-ingat at iwasang magbabad sa tubig-baha upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit na maaaring makuha mula sa maruming tubig.
‎
‎Samantala, bukod pa rito, ilan pang pagpapamahagi ng food packs ang isinagawa sa lungsod kung saan kabilang sa nagpaabot ng tulong ang ilang pribadong kumpanya maging religious sectors. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments