Aj Raval, binasag na ang katahimikan sa isyung buntis daw siya 

904

Binasag na ng aktres na si Aj Raval ang kumakalat na balita na siya ay buntis.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga larawan suot ang isang puting bikini habang siya ay nasa beach.

Nauna ng tinanggi ng aktres na siya ay nagdadalang-tao at nag positibo lamang sa COVID-19 kaya hindi nakasama sa isang proyekto.


Matatandaang sinabi ni Cristy Fermin sa kanyang show na buntis ang nasabing aktres ayon sa isang pinagkakatiwalaang source.

Samantala, sinabi ni AJ na masaya siya sa kung anong meron sila ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica at babalitaan na lang ang mga fans kapag sila ay opisyal na.

Facebook Comments