AJ Raval, hindi raw third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

143

Itinanggi ng sexy actress na si AJ Raval na siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa kaniyang Facebook, nag-post ng mensahe si AJ tungkol sa bashers na kinukuyog siya mula nang umamin siyang nagkakamabutihan sila ni Aljur.

Say ni AJ, mabuting tao raw siya at hindi gumagawa ng masama sa kapwa.


Nagpasalamat naman ang sexy actress sa mga nakakaintindi sa kanya at nagpaabot ng suporta.

Sana raw ay huwag na siyang pagbuntunan ng galit ng fans ni Kylie at sa love story nila ng estranged husband na si Aljur.

Facebook Comments