Aklan PPO, handa na para sa Semana Santa

Manila, Philippines – Handa na ang Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa.

 

Ayon kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, na mananatili ang kanilang annual preparation at nakalatag na ito para masiguro ang seguridad sa mga mataong lugar katulad ng Kalibo International Airport (KIA), Caticlan Airport, Jetty Port kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga turista at bakasyunista.

 

Babantayan rin nila ang mga matataong lugar na karaniwan pinupuntahan para sa station of the cross upang maiwasan ang anumang insidenteng maaaring mangyari.

 

Maglalagay din sila ng assistance desk para may puntahan ang publiko sakaling mangailangan ng tulong.

 

Pinaaalahanan naman ni Gregas ang lahat ng magbibiyahe na iwasan ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas, pagdala ng maraming pera at maging vigilant sa kanilang makakasabay sa pagbiyahe.


Facebook Comments