AKSIDENTE | 7, patay habang 20 sugatan sa pag-araro ng truck sa 16 na sasakyan at isang bahay sa Sta. Rosa, Laguna

253

Laguna – Agad na binawian ng buhay ang pitong katao habang sugatan ang nasa 20 iba pa matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck ang 16 mga sasakyan sa bahagi ng lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

Sa panayam kay P/supt Eugene Orate, hepe ng Sta. Rosa City Police, nangyari ang insidente sa Tagaytay Road sa barangay Sto. Domingo pasado alas 11:00 ng sabado ng gabi,

Nanggaling umano ang truck na may dalang mga bakal sa siyudad ng tagaytay at patungo ng Sta. Rosa nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver na hindi pa pinapangalanan.

Inararo umano ang truck ng isang bahay sa tapat ng isang bakery kung saan may isang pamilyang natutulog.

Nasa pagamutan pa ang ibang mga biktima na nagtamo ng mga sugat habang kritikal naman ang iba pa,

Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Sta. Rosa Police Office.

Facebook Comments