AKSIDENTE | Philippine National Railways, nadiskaril sa Paco station; Isang pasahero, na-suffocate

59

Manila, Philippines – Nadiskaril ang tren ng Philippine National Railways (PNR) kaninang alas dos ng hapon sa southbound ng Paco station.

Natagalan pa ng ilang minuto bago buksan ang pinto ng tren.

Isang pasahero rin ang na-suffocate o nahirapang huminga.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang PNR sa nangyaring insidente.

Agad namang naayos ang tren matapos itong magpadala ng mga tauhan sa nasabing lugar.

Facebook Comments