AKSIDENTE | Pulis, patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili

61

Cagayan De Oro City – Nasawi ang isang pulis, matapos na aksidente nitong mabaril ang kaniyang sarili. Ang biktima ay nakilala sa pangalan na si PO3 Joseph Mudos Marimon, na residente ng Alco Homes, Cagayan De Oro City, at na assign sa city force mobile company ng Cagayan De Oro City Police Office. Napag-alaman na bandang alas 11 kagabi, ng nagbihis ang biktima sa loob ng Maharlika Headquarters Old Building, ng aksidente nitong mabaril ang sarili. Nagtamo ito ng isang tama sa kaniyang ulo, gamit ang kaniyang service firearm, na isang gloc 9 mm. Hindi pa malaman ng kapulisan kung suicide ang nangyari, o aksidente lang ang nangyaring pagkakabaril sa biktima. Sa ngayon patuloy pa ang sinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nangyaring pagkamatay ni PO3 Marimon.

Facebook Comments