Bahagyang bumaba ang naitatalang aksidente sa mga kakalsadahan sa rehiyon uno, ayon yan sa Land Transportation Office Region 1.
Sa panayam kay LTO Region 1 Director Danny Martinez, ang pangunahing dahilan nito ay ang kawalan ng kamalayan o human error sa kakalsadahan.
Aniya pa, kailangan na maturuan ang taumbayan ukol sa tama at dapat na gawin ng mga nagmamaneho.
Dahil dito, patuloy ang pagbibigay ng seminar ng tanggapan sa buong rehiyon upang mabenipisyuhan ang publiko at mas ma-pababa pa ang naitatalang aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments