Aksidenteng mix and match ng COVID-19 vaccines, iniimbestigahan na ng DOH

119

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na may nangyaring accidental COVID-19 vaccine mixing sa Davao at Mandaluyong.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaalam na nila ang tunay na pangyayari.


Lumalabas sa kanilang inisyal na impormasyon na error ng healthcare worker ang nangyari.

Aniya, ibang bakuna ang bakuna ang naiturok.

Naglabas na rin ng abiso ang National Vaccine Operations Center sa mga vaccination sites para ipaalala ang mga protocols.

Nakasaad sa guidelines na dapat isang vaccine brand lamang ang mayroon sa site, at kapag naturukan ang isang indibiduwal ng magkakaibang brand ay dapat siyang i-monitor sa posibleng adverse effects.



Facebook Comments