Tinawag pa ring ‘band-aid solution’ ng grupong Bantay Bigas ang mga isinasagawang aksyon ng gobyerno upang ma-ibsan ang nananatili pa ring mataas na presyo ng bigas sa merkado.
Sa panayam ng IFM News Dagupan Kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, para sa kanila, isa pa ring panandaliang solusyon ang ginagawang hakbang ngayon pagdating sa usaping ng presyuhan ng bigas.
Aniya pa, wala umanong krisis sa bigas dahil maraming suplay sa mga palengke bagkus ang mababang presyo sa pagbili umano nito ang hindi makitang nangangailangan ng solusyon.
Ang iba pa umanong inilunsad na maaaring makapagpababa sa presyo ng produkto ay hindi naman naging epektibo.
Sa ngayon, hirap rin an mga magsasaka sapagkat nananatili rin na mababa umano ang kuha sa kada kilo ng palay na nasa 18 pesos per kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨