Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi na lalagpas ng 30,000!

79

Bumaba sa 29,440 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng mas mataas na bilang ng gumaling kontra sa bilang ng bagong kaso ng virus.

Ito ay matapos makapagtala ang bansa kahapon, Araw ng Kagitingan ng panibagong 302 kaso ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,681,101 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nasa 1,316 naman ang naitalang COVID-19 recoveries kahapon dahilan para umakyat sa 3,591,931 ang kabuuang bilang ng gumaling sa virus.

Sumampa naman sa 59,730 ang total COVID-19 related deaths matapos madagdagan ng 70 bagong namatay sa sakit.

Facebook Comments