Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 46,000 na lamang

47

46,227 na lamang ang aktibing kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na may panibagong naka-recover na 579 na pasyente.

Bunga nito, ang total recoveries na ay 293,860.

1,910 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 346,536.

78 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 6,449.

Samantala, nakapagtala lamang ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 2 bagong recoveries sa hanay ng mga Pilipinong COVID-19 patients sa abroad.

Ang total recoveries na ngayon ay 7,172.




9 naman ang bagong naitalang kaso kaya ang total cases ngayon ay 11,117.

Ang active cases naman ay 3,134.

Isa naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 811.

Facebook Comments