Aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, 25 na lamang

Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila na ngayon ay nasa 25 na lamang.

Base sa impormasyong inilabas ng Pamahalaang lokal ng Maynila, isa nalang ang naitalang bagong nahawaan ng virus at dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Patuloy naman ang pagbabakuna ng lungsod laban sa COVID-19.


Sa ngayon ay nasa mahigit 3.4 million doses na ng COVID-19 vaccine ang naituturok ng Manila LGU.

Base sa record ay mahigit 1.7 million ang fully vaccinated na, habang halos 1.8 million ang nasa first dose pa lamang.

Facebook Comments