Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, Dalawa na Lamang

Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa dalawa (2) ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Sa inilabas na datos ng Provincial Integrated Health Office, tanging ang bayan ng Quezon at Dupax Del Norte na lamang ang may natitirang tig-isang (1) kaso ng COVID-19 mula sa labing lima (15) na mga bayan sa probinsya.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 673 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit mula sa naitalang total confirmed cases na 698.


Ang probinsya ng Nueva Vizcaya ay mayroon ng dalawampu’t tatlo (23) na naitalang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments