Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, bahagyang bumaba

33

Mula sa 221 kamakailan ay nasa 108 na lamang ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y makaraang makapagtala ang PNP Health Service ng 14 na bagong kaso at anim na reinfection.

20 naman ang nadagdag na bagong kaso ng COVID sa hanay ng PNP ngayong araw.


Sa kasalukuyan, nasa 49,265 na ang kabuuang bilang ng mga naitalang impeksiyon sa Pambansang Pulisya habang 49,028 ang gumaling dahil sa 30 na bagong recoveries at 129 naman ang kabuuang nasawi.

Samantala, pumalo na sa 99.71% ang fully vaccinated sa PNP, 0.06% ang partially vaccinated at 98.94% naman ang nakatanggap ng booster shots.

Facebook Comments