Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, bumaba pa sa 103

31

May 6 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang dahilan kaya’t umakyat sa 48, 761 ang total COVID cases batay sa datos ng PNP Health Service.

Mula sa kabuuang bilang ay bumaba pa sa 103 ang aktibong kaso.


55 naman ang bagong gumaling sa sakit kaya’t nasa 48,530 na ang kanilang total recoveries.

Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t nanatili lamang sa 128 ang kanilang death toll.

Facebook Comments